HI THERE MGA BEAUTIFUL SIS!
So just to tell you guys puro affordable drugstore make-up here sa Philippines muna ang I - rereview ko and because of that pag may mga gusto kayong i request na brands na gusto niyong ipa review saakin just comment below :)
CARELINE OIL CONTROL LIQUID MAKE-UP
As we all know Careline cosmetics has been in the market for years and years now and what I liked with this company is nag upgrade sila ng packaging which is cute for the youngsters.
They have a total of 4 shades which are
Yung pinili ko is Oriental kasi based sa skin tone ko yellow undertone foundations ang bagay saakin.
I bought mine sa robinsons supermarket.
FIRST IMPRESSION:
So when I first opened the tube itself, yung amoy nung product yung una kong na pansin, and it smells like VANILLA or CAKE which is very delicate para sa teenagers kasi mas nakaka excite siyang gamitin knowing na kahit may product ka sa face amoy cake ka (sorry mababaw kaligayahan ko)
PACKAGING ; WINNER! Super cute niya guys kasi it has cupcake designs which is very bagay sa smell nung product mismo. Plus light weight lang siya and dahil sa tube container maiiwasan mong kumalat yung product sa loob ng make up kit mo.
USAGE: Yes! yellow undertone siya
Good for the slight morena and slight maputi filipinas like me na in between sa maputi and morena.
First pahid ko sa face ko light lang siya and slight lang (super slight) sticky siya. Madali siyang i blend sa face and hindi ako nahirapan masyado.
I tried this product while inside sa car ng friend ko kasi super excited akong gawan siya ng review hanggang sa na realize ko na nakalimutan ko yung make up kit ko sa bahay so I have to use my hands sa pag apply ng product sa face.
What I notice is that at first sticky siya ng slight sa face pero after 2 minutes nag set na siya and smooth na siya sa face ko.
Texture: Creamy and light, hindi ma liquid.
LOOK: I don't recommend this product for those people na may blemishes sa face kasi hindi niya ma tatakpan yung blemishes mo na yun and hindi puno yung tube so pag mag a-apply ka ulit para ma cover yung ilang blemishes mo baka maubos lang siya bigla sayo.
As you can see wala siya masyadong nagawa sa face ko and I understand kasi sever din naman yung pimple scars ko and this product is 90 pesos so what can you expect. Although nag whiten naman yung face ko ng slight and I have to apply face powder para mag matte yung mukha ko kasi I can still feel na slightly sticky pa yung face ko.
LONGEVITY: Dito tayo mag kakasubukan sa tagal ng product sa face. Oily ako guys pero hindi naman sobra, pero dahil Oily yung face ko, muntik na kong sakupin ng china (JOKE).
Dahil ginamit ko siya bago pumasok ng school na timer ko kung ilang hours siyang nasa face ko. 4 hours akong nasa loob ng school and so far so good, pero dahil sa weather dito sa pinas hindi mo ma iiwasang pawisan kahit umakyat lang ako ng stairs kasi super init talaga and I can feel na nag memelt yung product and na gi-ging sticky na siya. No choice need kong mag blot ng tissue kasi as of now wala akong blotting paper, then after that my face became matte and nawala yung stickiness niya and I don't need to re-apply powder sa face ko.
2 hours akong naka upo sa class ko and hindi naman nag oily yung face ko although naka aircon naman ako, then another 2 hours and still hindi ako nag retouch or nag apply ng powder kasi hindi pa naman ako super oily.
Pero once na lumabas na ako ng school ayun na, nag pawis na ko ang I can feel na yung product nag memelt na naman sa face ko, pero I will not blame the product kasi dahil to sa weather dito sa pinas HAHA.
For 4 hours I can say is that pwede na siya pag nasa aircon ka pero pag nasa initan ka, I suggest na mag dala ka ng madaming blotting paper kasi for sure need mo to.
FINAL VERDICT:
My rate is 6/10
Coverage : Light lang siya and hindi siya pwede sa madaming scar sa face. This product is good kung gusto mo siyang gwaing make-up base before ka mag lagay ng mismong foundation.
Price: The price is very reasonable and worth it siya for the price. Wala naman akong pinag sisihan anyway.
Longevity: Outside - Sticky sa feeling pag sobrang init and pawis ka na.
Inside - Thumbs up pag nasa aircon ka or wala sa initan kasi oily control naman siya pero slight lang and I think it still depends kung gano ka oily yung face mo.
Recommend: I would recommend this para sa teens na medjo conscious na sa appearance and wala naman dapat itago sa mukha this is good for them kasi affordable na, kayang kayang pag ipunan and light lang siya sa face na para kang walang suot. BEST PARA SA MGA NO MAKE UP LOOK.
Plus may Vitamine E siya so maganda rin siya for the skin.
Light Weight yung packaging ang great siya for re touch pag ayaw niyo nang dalhin yung babasagin niyong liquid foundation. At least eto madadala mo siya kahit saan without any hassle.
Downside: I will not recommend this para sa mga madaming something sa mukha like me (sad lyf) kasi hindi siya medium or high coverage.
So ayun ang aking review and sana maka tulong ito sa inyo :*
PS: THIS REVIEW IS DONE WITH HONESTY. EVERYTHING YOU READ INSIDE THIS BLOG ALL BASED ON MY OWN OPINION AND PERSPECTIVE. I'AM NOT PAID TO REVIEW THIS PRODUCT AND I BOUGHT IT WITH MY OWN MONEY. THANK YOU! :*